Saturday, April 19, 2014

Movie Marathon

February 2008, nagkasakit ako, ang kasumpa-sumpang sakit na chicken pox. Sabi nila kapag mas matanda, mas matagal ang duration ng chicken pox. So dahil bata pa ako, umabot ng 3 weeks. Kasama na dun yung treatment period dahil pinalayas ako ng teacher ko at nung security guard namin sa school.

Oops, patalastas, dahil katatapos pa lamang ng kaarawan ni Dr. Jose Rizal, dapat tayong gumamit ng wikang nauunawaan ng mga Pilipino--ang wikang Filipino. Pero bakit wikang Kastila ang ginamit ni Dr. Jose Rizal noong mga panahong iyon? Ano kaya ang reaksyon ng mga Pilipino noong unang panahon? Nabasa ko ang ilang linya sa libro ni Bob Ong at natawa ako. (Nabago na malamang ito dahil hindi ko na matandaan yung eksaktong linya.)

Indiyo 1: Nabasa mo na ba 'yung Noli Me Tangere?
Indiyo 2: Hindi e, ano ba 'yun?
Indiyo 1: Eto o, kaso Kastila, hindi ko maintindihan.
Indiyo 2: Oo nga, hindi ko maintindihan. Magpaalipin nalang tayo sa mga Kastila.

Tapos na ang patalastas. Sa loob ng tatlong linggong sakit ko, wala akong ibang ginawa kundi manood ng pelikula. Nagpabili ako ng ilang DVDs sa Apalit na pwede mo tawaran hanggang 35 pesos kung talagang kuripot ka. Paggising ko palang sa umaga, bubuksan ko na ang TV at DVD tapos Movie Marathon na. Marami akong napanood tulad ng HunterXHunter, Harry Potter, Lord of the Rings, Chicken Run, Chicken Invaders, at Chicken Joy pero joke lang dahil wala namang ganoong palabas.

Iba iba ang judgment ng tao pagdating sa pelikula. Halimbawa, Showing na ngayon ang Green Lantern. Sabi sa Yahoo! pangit lang daw ang pelikula. Sabi naman ng mga nakapanood kong kaibigan, maganda. Pero wala pa talaga akong kaibigan na nakapanood non. Inuunahan ko lang. Paano mo malalaman kung maganda ang isang pelikula? Kung malakas ito kumita?

Heto ang listahan ng mga pelikulang may pinakamataas na kita: (Naks! Sobrang tagalog naman tayo.)

#
Movie Title
Gross Profit
Year
1
Avatar
$2,782,275,172
2009
2
Titanic
$1,843,201,268
1997
3
The Lord of the Rings: The Return of the King
$1,119,110,941
2003
4
Pirates of the Caribbean: Dead Man's Chest
$1,066,179,725
2006
5
Toy Story 3
$1,063,171,911
2010
6
Alice in Wonderland
$1,024,299,801
2010
7
The Dark Knight
$1,001,921,825
2008
8
Harry Potter and the Philosopher's Stone
$974,733,550
2001
9
Pirates of the Caribbean: At World's End
$963,420,425
2007
10
Pirates of the Caribbean: On Stranger Tides*
$955,946,502
2011

Note: *Showing pa din ngayon, maari pa ito tumaas. (as of June 2011)

Kung may mga pelikulang malakas kumita, meron din mga pelikulang malakas malugi.

Ang pinakaluging pelikula sa buong mundo ay ang Zyzzyx Road. Ang haba ng pelikula ay 88 minutes at masasabi kong Indie film ito kahit hindi ko pa siya napapanood. Basta low budget na movies at parang sa isang lugar lang nangyare, Indie film na syang matuturing, sabi ng kaibigan ko noong college. Gumastos ang direktor ng $1.3 million para sa production ng pelikulang ito. Ipinalabas ito mula February 25 hanggang March 2 kung saan anim lamang ang nanood.

Ang buong kita ng pelikula ay $30 sa box office. Natapos ang buong linggo at tinanggal din siya sa sinehan dahil wala naman interesadong panuorin ito. Ito na ang pelikulang may pinakamababang kita. Ayon nga sa nabasa ko may nagrefund pa na $10 so total of $20 talaga ang kinita niya. Grabe sobrang lugi naman noon. Siguro dahil mahirap bigkasin ang title na Zyzzyx. Kung saan man niya napulot ang title na yan e hindi ko rin alam. Di dahil mataas ang points ng mga letrang yan sa scrabble e tataas din ang benta ng pelikula mo. 5 points for Jomar Bernasol! I’m so Great!

GAWAING PAGSASANAY:

1. Kung si Jomar Bernasol ay magiging direktor at gagawa siya ng pelikula, papatok ba ito sa box office? Paano mo nasabing magiging sikat pa ito internationally? Ipaliwanag.


2. Maghanap ng DVD ng Zyzzyx Road at alamin bakit 6 lang ang nanood ng pelikulang ito.

No comments:

Post a Comment