"Agosto mong malaman?" Para lang maging cool at catchy at masabing related sa August, eto ang ginawa kong cover ng dyaryo ko.Marahil
nagtataka kayo bakit ganito ang title ng cover. Ipapaliwanag ko lang ang
pinagmulan ng salitang Agosto o August. Noon, ang tawag nila sa buwan ng Agosto
ay Sextilis sa Latin dahil ito ang pang-anim na buwan sa original na ten-month
Roman Calendar noong 753 BC. Ang buwan ng Marso ang pinakauna noong mga
panahong iyon. Pagsapit ng 700 BC, naging pangwalong buwan ito dahil dinagdag
ni King Numa Pompilius ang buwan ng Enero at Pebrero. At noong panahong iyon,
29 days lang ang buwan na ito. Noong naging pinuno si Julius Caesar, dinagdagan
niya ito ng dalawang araw pa kaya nagkaroon ng Julian Calendar noong 45 BC.
Bandang huli, noong 8 BC, naging "August" na ang tawag sa buwan na
ito bilang pag-alala kay Augustus.
Ngayong
nalaman na natin ang pinagmulan ng salitang Agosto, alamin naman natin ang
pinagmulan ng mga pangalan natin...
Noong 1st
year high school ako sa Assumpta Technical High School, tinanong ng Values
Education Teacher namin na si Ms. Mary Anne Pangan (Trivia: Noong summer ni
Richneil sa ECC San Fernando para sa Proper Dentistry, nakasama namin ulit
siya. What a small world.) Si Ms. Pangan ay nagtuturo na ngayon sa elementary
school. Ata. Hindi ako sigurado kahit nagkita kami ulit. Balik tayo sa kwento
ko. Tinanong niya kami saan nagmula ang pangalan namin. May kapangalan ako noon
sa classroom, sobra nga lang 'yun sa kanya--si Jomari. Hindi ko alam ang sagot
sa tanong niya. Isa-isa kaming sasagot. Nakinig ako sa mga sagot ng kaklase ko
at napag-alaman kong ang mga pangalan pala ay pwede magmula sa combination ng
pangalan ng magulang, mga lolo, kulasisi (ngayon ko lang gagamitin ang word na
ito dahil alam ko na ang meaning. Hahaha), mga paboritong artista o singer, mga
santo, mga sikat ng pulitiko, at mga hayop. Pero wala akong kaklase na may
pangalan na browny, blacky, kitty, o Godzilla.
Turn na
ni Jomari na sumagot. Maaari kong maging basehan ang sagot niya. Sabi niya, ang
pangalan niya ay galing sa pangalan ni Joseph at Mary. Kaya Jomari. Since then,
'yun na din ang ginamit kong sagot tungkol sa pinagmulan ng pangalan ko.
Napag-alaman ko din na ang combination ng Jesus, Joseph, at Mary ay Jejomar
kaya mayroon tayong Jejomar Binay ngayon. Galing noh! Lumamang na tayo sa
kaalaman kahit alam na ito ng mga taong tabon.
Bakit
kailangan natin alamin ang pinagmulan ng pangalan natin? Sabi pa ng Values
Teacher ko noon, kung Kristiyano ang bata at bibinyagan siya sa simbahang
Katoliko, dapat may Christian name siya. Pwede mong kunin sa
pangalan ng santo halimbawa Mary Therese, Mark Alfred, John Lloyd, at Angel
Locsin. Kahit na Johnson ang pangalan mo, galing pa din ito sa pangalan ni
Saint John. Mahirap kung wala na silang maisip na pangalan kaya magkakaroon ng
extension tulad ng Jomar III, Jomar Jr.,
at Jomar XIII (Parang hindi pinag-isipan.)
Tatanungin
ko ulit kayo? Ano ang pinagmulan ng pangalan ninyo? Ayon sa survey na nakita ko
sa Internet, taong 2009. Ang pinakasikat na pangalan sa buong Pilipinas ay ang
mga sumusunod.
|
Lalaki
|
Babae
|
1.
|
Joshua
|
Angel
|
2.
|
Christian
|
Nicole
|
3.
|
John Paul
|
Angelica
|
4.
|
Justin
|
Angela
|
5.
|
John Mark
|
Jasmine
|
6.
|
Adrian
|
Mary Joy
|
7.
|
Angelo
|
Kimberly
|
8.
|
John Michael
|
Mariel
|
9.
|
James
|
Mary Grace
|
10.
|
John Lloyd
|
Princess
|
No comments:
Post a Comment