April 19,
2011. Birthday ni Sharmaine at wala siya sa Twitter so kailangan ko siyang
itext at required din ako makipagkwentuhan. In addition to that, tinitignan ko
din ang tindahan dahil si Ate Linda ay parito-paroon, parang jeep na bumabyahe.
Ang kwento ko talaga ay tungkol sa communication barriers. Habang nagcocomputer
ako, naririnig ko si Ate Lucy na katatapos lang maglaba ng damit nila Richneil.
High
blood si Ate Lucy, parang gusto nyang kainin ang kausap niya sa cellphone.
Kaunti nalang kainin niya yung cellphone. Pagkatapos ng usapan nila nung kaaway
niya sa cellphone, hindi pa rin siya tumigil. Galit pa din siya at hyper
magkwento.
Hindi
kaya mabingi si Ate Linda? Ano ba ang communication barrier? Minsan may kausap
tayo pero kailangan pa natin sabihin "ano nga ulit sinabi mo?". May
barrier kaya hindi magkaintindihan. Pwede itong ingay o depekto ng sinuman sa
inyo. Sa nagsasalita, kung pipi siya. Malamang hindi talaga kayo
magkakaintindihan. Nagresearch pa talaga ako sa internet para ipakita sa inyo
ang tungkol sa Barriers of Communication.
Barriers
to communication may be divided into the following distinct groups:
A)
PHYSICAL OR ENVIRONMENTAL BARRIERS
Kasama
dito ang ingay. Maraming klase ng ingay: malakas na volume ng music (mas
nakakasakit ng tenga kung basag pa ang speaker pero pinipilit pa rin
magpatugtog ng malakas.) Kung sa tao e lumalabas na ugat ng lalamunan niya sa
kakakanta. Ilang halimbawa pa yung ingay ng mga sasakyan. Mahirap
magkaintindihan kapag nakasakay ka sa tricycle at jeep. Alam na alam mong local
ang sinasakyan dahil maingay.
Hindi ko
alam bakit may environmental barriers. Ano ba ang environment, di ba ito yung
kalikasan? siguro ibig sabihin kapag may aso na kapag ikaw ay may kausap,
inuunahan ka ng aso sa pagsagot. Ano ba ang pinakamaingay na hayop? So
kinailangan ko naman gamitin si Google. Napakahelpful ng Google sa mga ganitong
pagkakataon lalo na siguro kung exam. Kaya nga hindi advisable na wifi ang
school e. Dapat bawal din magdala ng cellphone to avoid cheating.
Sa
Assumpta ko lang nakita ang mga ganitong batas kaya hindi ako madaya haha. Go
Alma Mater! Anyway balik tayo sa noisiest animal, sa dagat Blue Whale ang
pinakamaingay at sa lupa naman Howling Monkeys o Alouatta. Trivia yan.
B)
MECHANICAL BARRIERS
Kasama
dito yung walang signal. Pwede sa call o sa text message. Halimbawa yung mga
TM, may time na kapag nagtext ka sa kanila, bukas mo na mababasa ang reply
nila. May mga time lang, hindi naman sa lahat ng oras. Baka isipin nyo
nagmamata ako dahil Globe ako haha. Meron din pagkakataon sa chat, kapag
nawalan ng Internet. Dapat wag natin sisihin yung taong nagbabantay sa Internet
Cafe kung mawalan ng Internet.
Kasalanan
ba ng nagbabantay kung nawalan ng Internet? Kung sanang gunugupit niya yung
wire dahil nababagot siya pwede pang dahilan. Sa kanya ba nanggagaling ang
signal? Siya ba ang may ari ng Globe? Assignment: Saan nanggagaling ang signal
at paano ito nakakatulong sa pagbayad ng utang ng Pilipinas? Isulat ang sagot
sa Manila Paper baligtaran, font size 10. Avoid erasures.
C)
LANGUAGE OR SEMANTIC BARRIERS
Lagi kong
sinasabi ang salitang semantic sa tuwing hindi ko naintindihan ang sinasabi ng
kausap ko. Kasali pala siya dito sa language barriers. Kapag Amerikano ang
kausap mo, dapat English ang language na gagamitin mo para magkaunawaan kayo.
Parang dito sa Pilipinas, hindi magkakaintindihan ang mga Bisaya at
Kapampangan. Kailangan nila kumuha ng keywords para magkaintindihan.
Hindi ko
alam kung related dito ang sinabi ng teacher ko noong college. Kapag daw ang
tanong niya ay English, dapat English din ang sagot. Kapag tagalog ang tanong
niya (kahit English ang subject) dapat ang sagot ay tagalog. Inimplement din ng
DepEd, ewan ko kung DepEd o pakana lang ng teacher namin na kamukha ni
Godzilla.
Kapag
Math, Science, at English ang subject, dapat speaking in dollars ang mga studyante.
Tapos kapag Filipino at Kasaysayan, speak in peso–wagi ang pambansang Wika!
D)
PERSONAL OR SOCIO-PSYCHOLOGICAL BARRIERS
Kabilang
naman dito ang mga psychotic na tao pero imbento ko lang. Kailangan ng malawak
na pag-iisip bago mo maintindihan ang isang taong may kulang sa pag-iisip. Para
ka na ring nakipag-usap sa lasing o bagong gising. Kapag may kausap kang
psychotic na tao, dapat kang lumevel sa kanila para magkaintindihan kayo. Kung
alam mong may pagkukulang sa kanya, bawasan mo din yung sayo para magkulang ka
din.
Kasama
din siguro dito yung maturity ng kausap mo. May nagtanong sa akin kailan lang
bakit daw walang interesado sa kanya. Sabi ko isip bata pa kasi siya, tandaan
natin na mas mature mag-isip ang mga babae kaysa sa lalaki, kaya hanggang
ngayon isip-bata pa din ako. Katulad lang din ito ng dalawang taong nag-uusap,
isang bobo at isang nagpapanggap na matalino. Dapat mabawasan na ang mga bobo
sa mundo para matigil na ang pagpapasikat ng mga nagpapanggap na matalino.
E)
CROSS-CULTURAL BARRIERS
Iniisip
ko kung ano ang magiging kahulugan ng cross at cultural kapag pinagsama. Maaari
itong maging barrier o sanhi ng alitan depende sa kultura o paraan ng pamumuhay
ng dalawang nag-uusap. May mga taong matiyagang makinig sa lahat ng sinasabi mo
kahit kasing-boring mong magsalita si Squidward. Hindi ko na alam paano ipaliwanag ang
cross-cultural barriers. Dahil ba ako ay royal blood?
Importante
ang communication sa araw-araw na pamumuhay. Kasing halaga ito ng Algebra at
chemical symbol ng Gold. Anuman ang dahilan kung bakit hindi kayo
nagkaintindihan ng kausap mo, siguraduhin mo muna na gising pa ang kausap mo.
Baka nag-isip ka na ng kung anu-ano dahil hindi nagrereply ang katext mo yun
pala e tulog na. Siguraduhin din na tama ang numerong pinagsesendan mo.
Nakakatawa ka kapag nagdrama ka sa katext mo tapos bigla nalang may magrereply,
"Wrong send?"
GAWAING PAGSASANAY:
Base sa
iyong nabasa, bilugan ang salitang hindi kabilang sa grupo. Kapag hindi mo
alam, uminom ng isang basong tubig.
1. Street Fighter, Plants vs. Zombies,
piko, paso
2. Accounting, College Algebra, computer
shop, batang may sipon
3. McDonalds, Jollibee, tindahan ni Ate
Linda, surot
4. cancer, ubong may plema, muta, salisi
gang
5. ostrich, palaka, Ian Fajardo, letter Q
5. ostrich, palaka, Ian Fajardo, letter Q
No comments:
Post a Comment